Mga amyenda sa RH Bill nanganganib

emmi-de-jesus

NANGANGANIB ang mga nakahaing amyenda sa Reproductive Health Bill dahil sa takot ng mga Kongresista sa banta ng simbahang Romana Katolika na mangangampanya ito laban sa mga boboto pabor sa panukalang batas.

Ito ang pahayag ni Gabriela representative Emmi de Jesus kahit pa napabalitang nilamay sa Kamara de Representante ang RH Bill kagabi.

Suportado ng Gabriela ang pagtatanggal ng mga probisyong may kinalaman sa pag-kontrol ng populasyon para lamang mailinaw na para sa kalusugan ng kababaihan ang dapat na layunin ng RB Bill.

Sa kabilang banda, ayon kay De Jesus, patuloy na dadami ang bilang ng mga nanay na malalagay sa panganib kung di pa rin maipapasa ang isang reproductive health law.

Tinuligsa rin ng Gabriela ang patuloy na pagmahal ng serbisyong medical at pribatisasyon ng mga pampublikong ospital, bagay na maampatan daw sana ng isang RH Law.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply