Mga bata nagprotesta sa labas ng bahay ni PNoy

NAGSAGAWA ng kilos protesta kaninang umaga ang mga batang edad 5 hanggang 12 anyos mula sa North at East Triangle sa labas ng mansyon ni Pangulong Aquino sa Times St.

Kasama ang kanilang mga nanay, mananawagan ang mga sa Pangulo na kagyat ay ipatigil ang paggiba ng kanilang mga bahay sa kanilang mga komunidad.

Dala ng mga bata ang mga eroplanong papel na ipapalipad nila sa laban ng bahay ni PNoy. Laman nito ang mga mensahe ng mga batasa pangulo na ipatigil ang nagaganap na pagpapalayas sa mga maralita sa kanilang komunidad.

“Imbes na umupo sa silid-aralan at matuto, mahigit 200 mga bata ang deirektang naapektuhan ng demolisyon sa tabi ng BIR Road noong Oktubre 16. Kinakaharap ng mga bata ang problema ng kawalan ng bahay na matutuluyan, sapilitang pagtigil sa pagpasok sa paaralan, kawalan ng kabuhayan ng kanilang mga magulang at matinding kagutuman. Naging saksi ang mga batang ito sa karahasan ng gobyerno ni Noynoy Aquino,” ani Jocy Lopez, lider ng Kadamay sa Sitio San Roque, North Triangle.

Ayon sa grupong CONTRACBD o Concerned Organizations opposed to Transfer, Lay-Off, Privatization and Demolition due to Quezon City Central Business District, sa higit sa 20 libong maralitang pamilyang nakatira sa North at East Triangle, aabot na sa 7,000 pamliya na ang nawalan ng tahanan. Marami sa kanila ang nadala sa relokasyon sa Gayagaya, San Jose Del Monte, Bulacan at Kasiglahan Village sa Rodriguez, Rizal. Libu-libong bata na umano ang sinalanta ng mga demolisyon sa ilalim ni Aquino.

Dagdag pa ng grupo, marami sa mga batang tinamaan ng demolisyon dahil sa QCCBD ang natigil sa kanilang pag-aaral at dumanas ng matinding kagutuman dahil sa kawalan ng kabuhayan sa relokasyon na pinagdalhan sa kanila.

“Sana ay matinag si Aquino kapag nakarating na sa kanya ang panawagan ng mga bata, at kaagad niyang itigil ang demolisyon ng kabahayan ng mga maralita,” ani Lopez.

Ayon naman sa Kadamay, nasa 580,000 maralitang pamilya sa Metro Manila ang nakaambang palayasin sa kanilang mga komunidad para bigyang daan ang mga proyetong pangkaunlaran ng administrasyong Aquino. Mas malaki pa umano ang datos sa pambansang saklaw.

Nationwide indefinite moratorium

Noong Pebrero 2012, nagsampa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Anakpawis Partylist Representative Rafael Mariano ng House Resolution 2204, isang resolusyon na nanawagan sa gubyerno na ipatupad ang isang ‘nationwide moratorium on forced evictions and demolition of informal settler communities.’ Binanggit ng kongresista ang malalang paglabag sa karapatang pantao ng libu-libong maralitang apektado ng sapilitang pagpapalayas, kabilang na ang mga bata.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply