Mga buto ng gulay ipamamahagi sa mga magsasaka sa Romblon

ROMBLON, Romblon – Nakatakdang simulan bukas ng LGU Romblon at Office of the Municipal Agriculture Office (OMAG) ang pamimigay ng iba’t ibang uri ng mga binhi ng gulay sa mga magsasaka sa mga barangay na nasasakupan nito.

Sinabi ni Arturo M. Guttierez, municipal agriculture officer, na ang lokal na pamahalaan ng Romblon ang bumili ng mga naturang binhi upang ipamahagi ng kanilang tanggapan sa mga lehitimong magsasaka ng gulay.

Layunin ng programang ito na hikayatin ang mga mamamayan partikular ang mga magsasaka na magtanim ng samu’t saring uri ng gulay upang kumita ng malaki dahil sa mataas na demand nito sa pampublikong pamilihan ng bayan.

Nais umano ng kanilang tanggapan na dito na manggagaling ang mga itinitindang gulay sa palengke sapagkat mas mataas ang presyo ng mga inaangkat na gulay dahil na rin sa pasalin-saling “middleman” at palipat-lipat ng transportasyon nito bago makarating sa Romblon.

Dagdag pa ni Guttierez, nilalayon din nila na bumaba ang halaga ng gulay sa merkado kapag mga taga-Romblon na mismo ang magtatanim at magpapalago ng produksiyon nito.

Aniya, Ilan lamang sa mga kondisyon hinihingi ng lokal na pamahalaan sa mga mabibiyayaan ng libreng binhi na kailangan nila itong itanim, alagaan at palaguin. Sa panahon ng anihan nito, bawal itong iluwas sa karatig-bayan o lalawigan at marapat lamang na sa pamilihan ng Romblon ito ibenta upang mga taga-rito din ang makinabang sa mga produktong ito.

Naglaan ang tanggapan ni Mayor Gerard S. Montojo ng pondo para sa programang ito na nagkakahalaga ng P25,000. Magandang klase ng mga binhi ng ampalaya, sitaw, talong, okra, upo, kalabasa, pechay, lettuce at water melon ang itinanim.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply