Mga buwayang doktor ng QCGH, inirereklamo

INIREREKLAMO ng ilan sa mga naging pasyente ng Quezon City General Hospital ang umano’y anomalyang namamagitan sa ilang tiwaling doktor ng pagamutan at isang drug store na nasa tapat lamang ng nasabing pagamutan .

Batay sa reklamo ng isang pasyente nagpagamot, aniya, siya sa nasabing ospital matapos mabubog ang kanyang isang paa at niresetahan siya ng isang Dr. Perez ng anti-biotic at pantahi sa sugat dahil sa utos umano ng nakataas na si Dr. Bueno.

Dahil kapos sa pera, bumili ng generic na gamot ang pasyente.

Nang iniabot ng pasyente kay Dr. Perez ang generic na gamot, imbes na tanggapin, ito ay ipinasosoli umano ng doktor dahil hindi umano ito branded at kailangan na doon daw siya bumili ng gamot sa Alda Drug Store dahil “chalk “ lamang ang kanyang nabili .

Dahil dito, napilitan ang pasyente na mangutang para mabili ang halagang P500 na gamot sa Alda Drugs kumpara sa generic na pareho din ang brand na nabili lamang niya ng P100 sa ibang botika.

Ngunit taliwas ito sa inaasahan ng ilang residente sa Quezon City na bagamat sa pag-aakalang libre ang serbisyo sa pagamutan ay dadaanin naman sila sa mamahaling gamot para umano pagkakitaan ng mga doktor.

Malaki ang hinala ng mga naging pasyente ng QCGH na may sabuwatang namamagitan sa may-ari ng Alda drug store at mga nasabing dokto

Kaugnay nito, nananawagan ang mga maralitang naging pasyente ng QCGH kay Director Antonio Cabigas at kay QC Mayor Herbert Bautista na paimbestigahan ang nasabing anomalya sa sabuwatan ng mga drug stores at mga doktor para kumita pero ang pinahihirapan ang mga mahihirap na residente sa lungsod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply