Mga dumadalaw sa Manila North Cemetery dagsa pa rin

BAGAMAT hindi na katulad kahapon (Nobyembre 1) ay dagsa pa rin ang mga bumibista sa kanilang mga yumaong kaanak na nakahimlay sa Manila North Cemetery ngayong Araw ng mga Kaluluwa.

Sa tala ng Manila Police District (MPD) Station 3, nasa 10,000 na ang pumapasok sa naturang sementeryo simula kaninang alas-9:00 ng umaga.

Mas mababa umano ito kumpara kahapon kung saan kada minuto ay mayroong 500 katao ang pumapasok upang magbigay respeto sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Gayunman, patuloy pa ring nakabantay ang mga kapulisan upang matiyak ang seguridad ng mga bumisita sa sementeryo.

Gayundin ang mga tauhan ng Philippine Red Cross, Manila Health Department at mga non-government organization (NGO) ay nanatiling nasa lugar para magbigay ng serbisyo sa mga mangangailangan ng atensyong medikal.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply