Mga engineered bamboo tampok sa Likha ng Central Luzon 2012

ANGELES CITY, Pampanga, – Tampok ang mga produktong engineered-bamboo (E-Bamboo) na gawa ng mga Kapampangan furniture makers sa ika-14 na Likha ng Central Luzon (LCL) na magbubukas ngayong araw sa Megatrade Hall 2 ng SM Megamall sa lungsod ng Mandaluyong.

Ang display, na konsepto ni Vina Domingo Roy ng 1001 Strategies Product Development Consultancy, ay magpapakita ng iba’t ibang gawa ng Betis Crafts, Calfurn Manufacturing Philippines, Country Accents, Dale Mathis Studio, Homebrew Furniture, Philiana Design, at South Sea Veneer.

Ayon kay Trade and Industry Regional Director Blesila Lantayona, nagiging tanyag na sa buong mundo ang kawayan dahil sa pagiging eco-friendly at epektibong alternatibo sa tropical timber.

Ang pagsulong aniya ng mga engineered bamboos ay nagbukas ng pintuan para sa furniture makers ng Pampanga na magkaroon ng mga bagong kliyente dito at sa ibayong dagat.

May 150 micro-, small-and medium-entrepreneurs mula sa mga lalawigan ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, and Zambales ang sasali sa LCL ngayong taon.

Ibebenta sa limang araw na bazaar ang mga regionally produced environment-friendly Christmas decors, processed foods, home furnishings, ceramics, jewelry, fashion accessories, bags, footwear, at novelty products.

Ang LCL ay magkasamang inorganisa ng DTI 3 at Philexport 3 at suportado ng Regional Development Council 3, Philippine Information Agency, at Central Luzon Growth Corridor Foundation Inc.

Pumalo ng P30.85 milyon ang total sales ng fair noong nakaraang taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply