Ched nilusob ng mga militanteng estudyante

(UPDATED) MALUWAG umanong nakapasok sa tanggapan ng Commission on Higher Education (Ched) sa University of the Philippines (UP) Diliman, Quezon City ang mga estudyanteng nagpakilalang mula sa Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) Lunes ng umaga.

Pasado alas-11:00 ng umaga nang magkaroon ng tensiyon nang harangin ng mga guwardiya ang mga kabataang nagpoprotesta na pawang miyembro ng Anakbayan EARIST Chapter bago pinagbabato umano nila ng pintura ang tanggapan bilang protesta sa anila’y pagtaas ng bayarin sa kanilang eskwelahan at iba pang hindi maka-estudyanteng patakaran.

Agad namang itinaboy ng mga guwardya at rumespondeng pulis ang mga nakapasok na estudyante, at isinara na rin ang gate sa main lobby matapos pagbabatuhin ng pintura.

Katwiran naman ni Anakbayan EARIST Chapter Chairman Kim Bautista, “‘Yung pagbabato namin ng pintura, simbolo lamang ito na hindi sa lahat ng pagkakataon, magiging pasensyoso itong mga kabataan na hanggang dito na lang sa labas.”

Hinaing aniya nila ang hindi pag-aksyon ng Ched laban sa dagdag na P1,500 sa bayarin ng mga estudyante sa EARIST at ang panukalang gawing tatlong oras na ang bawat subject.

Giit ni Bautista, anti-estudyante at pahirap sa mga propesor ang naturang programa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply