Mga guro na nais magtrabaho sa Vietnam binalaan

BINALAAN ng Embahada ng Pilipinas sa Vietnam ang mga Pilipinong nagnanais na magtrabaho bilang guro sa naturang bansa.

Ang babala ay matapos makatanggap ng ulat na may isang Pinay ang napasok bilang English teacher ang dinala sa malayo, kinuha ang passport, pinagsuot ng sexy at pinagtrabaho ng walang kontrata.

Dahil dito, pinayuhan ni Philippine Ambassador to Vietnam Jerril Santos, na siguruhin muna ang background ng magiging employer at employment contract para hindi malagay sa alanganing sitwasyon at hindi magandang working condition.

Importante rin na makipag-ugnayan sa Philippine Overseas Employment Adminstraton (POEA) upang hindi mabiktima ng illegal recruiter.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply