Mga guro naalarma sa sex video ng 2 stude sa Ilocos Norte

NAALARMA ang ilang guro sa Sarrat National High School sa Sarrat, Ilocos Norte makaraang kumalat ang sex video ng kanilang dalawang estudyate.

Base sa pahayag ng principal ng naturang paaralan na si Ginang Editha Santiago, ikinagulat nila nang malaman ang kumakalat umanong sex video ng dalawang estudyanteng mag-partner na parehong nasa third year at may isa pa umano na nagsilbing lookout.

Dahil dito, agad pinatawag ng principal ang mga magulang ng sangkot na dalawang estudyante upang pagpaliwanagin.

Ayon naman kay Gng. Amalia Labii, Values Education in-charge at guidance coordinator, nasa magulang ang responsibilidad na pangaralan at alagaan ang kanilang mga anak at ang guidance office lamang ang nagmo-monitor kung saang lugar pumupunta ang mga estudyante.

Ayon pa sa mga guro ng naturang paaralan, hindi na umano pumapasok sa paaralan ang dalawang estudyante mula nang kumalat ang kanilang sex video.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply