Mga iligal na paputok, nasabat ng mga pulis

behind-bars-2

KULONG ang dalawang pahinante at isang driver habang nakapuga ang isa pa nang masabat ang dalang truck na may laman na mga ipinagbabawal na paputok sa Malabon City kahapon, Nobyembre 9.

Nakilala ang mga dinakip na sina Junmark Aguilar, 33, ng Binondo at Ravelo Mendoza, 46 ng Baseco at driver na si Banbito Morales, 31, ng Binondo, Manila habang nakapuga ang driver na nakilala lang sa alyas na Jumor.

Batay sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon, nagpapatrulya ang mga pulis nang maispatan ang Isuzu 6 wheeler truck (RDX-586) at (RJH-925) na dala nila Jumor at Morales sa M.H. Del Pilar st., Santulan, Malabon City.

Pinara ng mga pulis ang dalawang truck at nang tignan ang mga laman ay nakita ang mga kahon ng Piccolo at iba pang mga paputok.

Wala rin dalang mga papeles ang dalawang driver sa mga dala na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

Pagparada ni Jumor ay biglang tumakbo at tumakas. Inaalam na kung saan galing ang mga ilegal na paputok.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply