Mga kababaihan, nanawagan ng pagbabasura ng Oplan Bayanihan

NANAWAGAN ang mga kababaihan na ibasura na ng gubyernong Aquino ang kontra-insurhensiyang programang Oplan Bayanihan.

Ito ang reaksiyon ng Gabriela Women’s Party o GWP sa paglalabas ng Administrative Order number 35 ng gubyernong Aquino na lilikha ng isang human rights superbody.

Ayon kay GWP congresswoman Emmi de Jesus, ang Oplan Bayanihan ang tunay na salarin sa paparaming bilang ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Kung ibabasura na ang Oplan Bayanihan, mas magiging kapani-paniwala umano ang pagpopostura ni Presidente Benigno Aquino para sa karapatang pantao.

Samantala, ayon pa rin kay De Jesus, wala pang nahahatulan na mga makapangyarihang tao na nasasakdal o tinutugis dahil sa paglabag sa karapatang pantao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply