Mga katutubo, umaasang makapagtatanim ng bagong butil ng bigas

UMAASA ang tribong Dumagat na magiging bahagi sila at maitatanim ang bagong uri ng butil ng bigas na kanilang napili sa kanilang palayan sa kabundukan .

Ayon kay Ronnie Bote, 40 anyos, na lider ng Dumagat tribe, nakikita niya kontento na ang mga magsasaka na amuyin at bilangin ang inani nilang variety ng nasabing bigas na kanilang itinatanim  kung kaya namulot siya ng ilang mga butil nito para maipakita at hikayatin ang kanyang mga katribo na maitanim ang nasabing uri ng bigas sa kabundukan ng Rio Chico sa kanilang lugar .

Itoy matapos dumalo si Bote sa isinagawang paglilibot sa may 13 ibat-ibang mga variety ng bigas na nakatanim sa proyekto ng Philipine Rice Research Institute at International Rice Research Institute  sa Brgy. Nazareth, Gen. Tinio, Nueva Ecija.

Ayon kay Bote, mas napili niyang itanim ang NSIC Rc23 o Katihan 1, kabilang sa 13 rice lines at varieties na tinesting kung maitatanim sa lawak na 1,200 sqm na lote sa kanilang barangay.

Dagdag pa ni Bote, sa siyam na taon niyang pagiging magsasaka nasorpresa siya nang malaman na ang NSIC Rc23 ay puwede ng anihin matapos ang 108 araw, at makakakuha ng may 7.6 tonelada bawat ektarya at maaring itanim sa mataas na lugar.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply