Mga kawani, nagsagawa ng kilos protesta sa QC

pnoy5

KINALAMPAG ng daan daang kawani ang gobyerno ni Pangulong Benigno Aquino para isulong ang kahilingan na P6,000 dagdag na sahod at iba pang benepisyo.

Dakong alas 12:00 ng tanghali nang nagsagawa ng human chain ang mga kawani ng National  Housing Authority (NHA), Department of  Agrarian Reform (DAR) at Philippine Coconut Authority sa  paligid ng Elliptical Road, Diliman, Quezon City.

Pinangunahan ng COURAGE ang unyon ng mga kawani sa pamahalaan ang kilos protesta  at hiniling  ang P 6,000 wage hike sa lahat ng mga empleyado ng pamahalaan.

Samantala, hiniling naman ng mga kawani ng DAR sa pangunguna ng Department of Agrarian  Reform Employees Association (DAREA) ang unyon ng DAR ang pagsibak sa puwesto kay DAR Sec.  Virgilio delos Reyes dahil sa banta ng mass lay-off sa DAR.

Ito’y matapos ang pinangangambahang pagsibak sa mahigit 5,000 empleyado ng DAR.

Hiniling din ng DAREA ang pagbibigay sa mga benepisyo ng mga kawani ng DAR at iba pang  benipisyo nas nakapaloob sa Collective Negotiation Agreeement (CNA).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply