Mga komisyuner binigyan ng deadline para sa partylists group

comelec-chair-brillantes

BINIGYAN ng deadline ni Commission on Elections chairman Sixto Brillantes Jr. ang mga komisyuner na madaliin ang paglagda sa mga resulosyon at paglalabas ng mga dissenting opinion kaugnay sa partylist group na lalahok sa halalan.

Ginawa ni B rillantes ang ultimatum para matiyak  na mailalabas ang mga listahan ng partylist group  na maaring makalahaok sa 2013 midterm elections bago matapos ang Nobyembre.

Ayon kay Brillantes, ito ang karaniwang dahilan kung bakit natatagalan ang paglabas nila ng pangalan ng mga grupong naaprubahan at nadiskuwalipika.

Kabilang naman sa mga grupo na tinututukan ngayon ng komisyon ang  Ang Matay Alagaan, Alona nina Quezon Rep. Danilo Suarez, Abante Retirees na ang isa sa nominee ay tatay ni DoTC Sec. Jun Abaya na si Plaridel Abaya, Alay Buhay ng pamilya Gatchalian , Melchora ni Grace Ibuna at iba pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply