Mga lalawigan na ligtas sa mga sakit tinukoy ng DoH

ILANG lalawigan sa bansa ang idineklarang disease-free o ligtas sa iba’t-ibang mga sakit tulad ng rabies, malaria, at filariasis, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, kabilang sa mga idineklarang rabies-free ng DOH ngayong taon ay ang mga probinsya ng Biliran at Marinduque.

Idineklara namang malaria-free ang mga lalawigan ng Batanes, Dinagat Islands, Camarines Sur, at  Romblon habang filaria-free naman ang Marinduque, Albay, at Eastern Samar.

Anang kalihim, ang mga nabanggit na probinsya ay pagkakalooban ng disease-free zone awards bilang pagkilala sa kanilang pagsusumikap na mapuksa ang iba’t-ibang karamdaman sa kanilang lugar.

Iginiit ni Ona na hamon din ang naturang parangal sa kanila para panatilihin ang pagkakaroon ng disease free status.

Nabatid na ang pagiging disease-free ng mga naturang lugar ay bunga ng sama-samang pagkilos, estratehiya at tamang paggamit ng resources upang mapuksa ang mga nabanggit na sakit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply