Mga lugar sa QC na talamak sa droga ida-drug quarantine

drug-den

ISASAILALIM  sa “drug quarantine” ang ilang lugar  sa Barangay Batasan Hills, Quezon City  na  itinuturing  na talamak  sa paggamit  ng  ipinagbabawal  na droga.

Ito’y  bahagi  ng  pinag-ibayong  kampanya  ng  pamahalaan laban sa   ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Barangay Chairman  at  Presidente  ng Liga  ng mga Barangay sa  Quezon City at Brgy. Captain  ng Batasan Hills  Ronnie Ludovica, ang hakbang  ay  upang  mabawasan kundi man  ay tuluyang  mawalis  ang mga salot ng ilegal na  droga  sa  Bgy.  Batasan Hills, QC.

Tinukoy  ni  Lodovica ang  lugar  ng  Talanay  Street  at  Consti Street  sa  Brgy.  Batasan Hills  na  talamak  ang   operasyon ng  illegal  drugs.

Sinabi pa  ni   Lodovica  na kabilang  sa  magsasagawa ng  drug  quarantine  ang mga  barangay  tanod  at  mga  pulis  gaya  ng  checkpoint,  pagkapkap  sa  mga  hinihinalang drug  pusher  at  user  sa  naturang lugar.

Tiniyak naman  ng  naturang  kapitan  na  hindi malalabag ang  karapatang pantao ng mga taong  maisasailalim sa  drug quarantine  dahil  igagalang  pa rin  ng mga magsasagawa ng  quarantine ang karapatan pantao ng  mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply