Mga manggagawa ng isang bus company, nagmartsa mula Vigan hanggang Maynila

NAGMARTSA ang mga manggagawa ng Times Transportation Company, isang kumpanya ng bus na may byaheng Ilocos Sur—Maynila, mula Lungsod ng Vigan hanggang Lungsod Quezon simula noong nakaraang Linggo.

Tinututulan ng mga manggagawa ang hindi pagpapatupad ng National Labor Relations Commission o NLRC sa isang dekada nang desisyon ng Korte Suprema na pumapabor sa kanila laban sa management ng kumpanya.

Matatandaang nag-welga ang mga tsuper, konduktor at mekaniko ng Times Transit matapos hindi makapag-kasundo ang management sa Collective Bargaining Agreement nito sa unyon ng mga manggagawa.

Ngayong alas 8 ng umaga, nakarating na ang mga nag-martsang manggagawa at nagdaos na ng piket sa harap ng punong tanggapan ng NLRC sa panulukan ng Banaue at Quezon Avenue.

Sinamahan sila sa naturang piket ng Kilusang Mayo Uno na sumuporta sa kanilang welga sa terminal ng Times sa Cubao at sa Vigan mahigit isang dekada na ang nakaraan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply