Mga mayor, kaya ba ni Mar?

raul_valino

SINASABING mga mayor ang actively involved sa P12-billion triple your money scam sa Visayas at Mindanao.

Iyan ang dahilan kung bakit si Mar Roxas, secretary of Interior and Local Governments, ay agad na lumipad patungo sa Mindanao upang tiyakin na ang mga nabolang biktima ay mabawi ang kanilang puhunan at ipakulong ang mga salarin.

Ang kaso ay nasa National Bureau of Investigation na. Kaya lang, mukhang wala namang parallel investigation ang Philippine National Police na pinamumunuan ni Mar bilang DILG secretary.

Dito magkakaalaman kung angkop ba si Mar na pinuno ng DILG. Under ni Mar ang PNP at under din sa kanya ang mga mayor. May mangyari kaya sa imbestigasyon na ito?

Maraming pulis ang nabola ng scammer na kung tawagin ay Aman Futures Group Phils.

Nadugas ang mga pulis samantalang napakaraming mga pulis ang talagang mandurugas.

Marami ring mga sundalo ang nabiktima ng Aman Futures. Ang mga sundalo na nangutang pa sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at ipagkatiwala ang kanilang future sa kompanyang ito na ang may-ari ay hindi na makita.

Si Mar sa Senado ay nanguna sa kampanya laban sa mga double and triple your money scam, ngunit nasaan na ang mga salarin? At nabawi ba ng mga biktima ang kanilang pera?

Kay raming mga scammer sa mundo. Ang iba ay pag-aari ng mga honorable people na ni minsan ay hindi nalitis sa husgado. Scot-free silang lahat. At ano na ang nangyari sa College Assurance Plan at iba pang pre-need companies? Sinubukan ni Mar na tanungin ang Securities and Exchange Commission pero lahat sila ay hugas-kamay.

Eh ngayong DILG chief na si Mar, may mangyari kaya sa imbestigasyon ng Aman Futures?

At maparusahan kaya ang mga mayor na sangkot sa scam na ito?

Malabong mangyari iyan. At dahil sa kalabuan ng kasong ito, malamang na lalong lumabo ang pag-asa ni Mar na maging Pangulo ng Pilipinas.

Marami nang biktima ang nagpakamatay dahil sa scam sa Aman Futures. Ang iba ay mentally and physically drained na sa kaiisip kung paano mababawi ang kanilang pera.

Kasi naman kayo, hindi kayo nag-moderate your greed. Buti nga sa inyo. Matatalino naman kayong mga tao. Mga edukado. Mga people in power. May mga taga-simbahan pa na ang koleksiyon ay ibinigay sa Aman Futures.

Nasaan na kaya si Mohammad Suffian Saaid alyas Amalilio na nagtayo ng Aman Futures at sa loob ng isang taon ay naka racket agad siya ng P12 billion?

May mga bahay raw ito sa McKinley Road, Taguig. Mayroon din daw bahay sa Dapitan City at sa Cebu. May mga private planes pa raw itong mamang ito. Siguro naman, madali nang ma-trace si Saaid alyas Amalilio.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply