Mga militante sumugod sa Israeli embassy sa Makati

NAGSAGAWA ng kilos protesta ang iba’t ibang militanteng grupo sa Embahada ng Israel sa Makati City dahil sa patuloy na pambobomba ng Israeli military sa Gaza.

Sinugod ng militanteng grupo kabilang ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Gabriela, Karapatan, Migrante at Philippine Palestine Solidarity Association at nagsagawa ng programa sa harap ng gusali ng Trafalgar na naroon ang tanggapan ng Israel.

Bitbit ang kani-kanilang mga placarad, hiniling ng grupo sa Israel Embassy na palayain na ang Palestine dahil marami nang residente ng Gaza ang namamatay sa patuloy na kaguluhan.

Sa kalagitnaan ng programa sinunog ng grupo ang bandila ng Israel na sinabayan ng pagsigaw na pagtukoy sa Israel government at tropang Amerikano na mga terorista.

Pinabayaan naman ng Makati police at mga guwardya ng gusali na makapagprograma ang mga militante, pero walang opisyal ng embahada ang humarap sa kanila.

Kasabay nito, nanawagan ang Pilipinas na magkaroon na ng ceasefire sa pagitan ng Israeli at Hamas militants. Ito ay sa gitna ng pagtindi ng kaguluhan sa Gaza Strip.

Sinabi ni Cabinet Sec. Rene Almendras. na binabantayan ni Pangulong Benigno Aquino III ang developments sa Gaza Strip, kahit pa dumadalo ito sa ika-21 ASEAN Summit sa Cambodia.

Ayon kay Almendras, posibleng ang Egypt-Gaza boarder na lang din ang bukas kaya dito lang maaaring dumaan ang mga Pilipino na nais magpalikas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply