Mga pagpatay sa Mindanao, iimbestigahan ng Kamara

IIMBESTIGAHAN ng Kamara de Representante ang walang tigil na pamamaslang ng mga environmentalist at katutubo sa Mindanao.

Ayon kay Gabriela congresswoman Luz Ilagan na taga-Davao, nagtatatakda na ng pagdinig ang Kamara matapos pumayag na raw ang kanyang mga kasamahan sa House Committee on Human Rights, na pinangungunahan ni Quezon congressman Lorenzo Tanada III, na magdaos ng mga pagdinig sa Mindanao mismo.

Kumakailan, minasaker ng mga sundalo si Juvy Capion at dalawa niyang anak, samantalang tinambangan naman si Dr Isidro Olan sa Carmen Surigao del Sur. Ang mga biktima ay mga environmentalist.

Ang mga pagpatay na ito ay naka-ugnay sa pagpapapasok ng gubyernong Aquino ng mga kumpanya upang magmina at mag-troso sa Mindanao, ayon kay Ilagan.

Sa halos lahat ng kaso ng pamamaslang, ang mga sundalo at para-militar ang itinuturong mga salarin na nagtatanggol naman sa interes ng mga kumpanya, dagdag pa ng mambabatas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply