Mga politiko namudmod ng freebies

ANG pamimigay ng mga politiko ng libreng tubig, meryenda, tolda at kung anu-ano pa sa sementeryo ngayong Undas ay isang uri ng premature campaigning.

Ito ang inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. na unang nagpayo sa mga botante na huwag iboto ang mga politikong sangkot sa maagang mangangampanya.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Brillantes na mas halata ang premature campaigning kung ang ipinamimigay na freebies ay may pangalan at larawan ng mga kandidato para sa May 2013 midterm polls.

“Ang pagbibigay ng libreng tolda, meryenda, tubig at kung ano pa, lalo na’t puno ng pangalan ay uri ng pangangampanya,” tweet pa ni Brillantes.

Iginiit ni Brillantes na hindi naman bawal mamigay ng freebies ang mga pulitiko sa Undas, gayunman, binigyang-diin niya na ‘kakapalan’ ito ng mukha.

“Bagama’t hindi bawal, pero kakapalan pa rin po ng mukha yan. Kaunting hiya naman po sana!” aniya pa.

Nanindigan pa si Brillantes na ang Undas ay hindi dapat na haluan ng pulitika dahil ito’y okasyon bilang pagbibigay ng respeto sa mga patay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply