Mga private armies hindi pa rin nabubuwag

maguindanao-massacre

TATLONG taon matapos ang malagim na Maguindanao massacre na ikinasawi ng 57 katao, bigo pa rin umano ang pamahalaan na buwagin ang mga private armies sa bansa na sya umanong dahilan kung bakit patuloy ang insidente ng karahasan, ayon sa isang human rights group.

Ayon sa Human Rights Watch lubhang malamya ang Aquino administration sa paglansag ng mga private army at paramilitary forces sa bansa particular sa Mindanao kung kayat hindi pa rin bumababa ang insidente ng karahasan gayundin ay bigo pa rin na maaresto ang mga nasa likod ng massacre.

Sinabi ni Brad Adams, Asia Director ng Human Rights Watch, na patuloy ang pangamba na mauulit ang Maguindanao massacre dahil sa pananatili pa rin ng mga private armies paglipas umano ng tatlong taon ay takot pa rin ang mga resident eng Mindanao dahil na rin sa nanatiling maimplwuensya ang nasa likod ng massacre marami umano ang nais na tumayong testigo sa krimen subalit natatakot ang mga ito sa kanilang kaligtasan at ito umano ay nangyayar na dahil ang mga naglakas ng loob na tumayong testigo ay binalikan at pinaslang din.

Naniniwala ang grupo na habang nanatili ang mga tauhan ng mga maiimpluwensyang indibidwal ay hindi makakamit ang hustisya sa massacre.

Iginiit pa ng grupo na mula sa 197 na natukoy na mga suspek sa massacre ay 99 pa lamang ang nadarakip at 81 pa lamang ang nasasampahan ng kaso sa korte.

Kaugnay nito, hinahamon ng Human Rights Watch si Pangulong Aquino na sa lalong madaling panahon ay kumilos para mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng Maguindanao Massacre at para matiyak na ang ganitong uri ng karahasan ay hindi na mauulit pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply