Mga sundalo sugatan sa pagsabog sa boundary ng Nueva Ecija, Aurora

SUGATAN ang hindi pa batid na bilang ng mga sundalo matapos pasabugan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang military truck sa boundary ng Bongabon, Nueva Ecija at Baler, Aurora.

Sa inisyal na impormasyon, bago mag-alas-9:00 ngayong umaga naganap ang pagsabog.

Nabatid na patungo ang mga sundalo na pawang miyembro ng 7th Infantry Division sa north direction ng Aurora nang maganap ang pagsabog.

Hinihinalang landmine ang ginamit sa naturang pagpapasabog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply