Mga suspek ‘di mapapatawad ng pamilya ng pinaslang na modelo

HINDING-HINDI mapapatawad ng pamilya ng pinatay na model at part time talent ng ABS-CBN na si Julie Ann Rodelas ang mga nasa likod ng pagpatay sa kanilang mahal sa buhay.

Sinabi ng kapatid ni Rodela na si Alvin, 26-anyos na partikular siyang nadidismaya sa isa sa mga suspect na si Althea Alramirano na ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya.

“Hindi na namin siya (Althea) itinuring na iba, parang kapatid na namin siya, tapos yun pa ang gagawin niya sa kapatid ko. Kapag pinatawad ba namin siya ay mabubuhay pa ba kapatid ko?” pahayag ni Alvin kaninang umaga sa isang kapanayam sa isang radio program.

“Sige patatawarin ko siya na ang tinutukoy ay si Althea pero dapat ibalik niya ang buhay ng aking kapatid. Di ba, imposible na yun kaya imposible rin na mapatawaad namin siya,” dagdag panito.

Sa kabila nito, sinabi Alvin na plano nilang ilibing si Jaja palayaw ni Julie Ann sa darating na Sabado (Nobyembre 17).

Sa hiwalay namang kapanayam, sinabi ng nanay ni Jaja na kung nabuhay lamang ang kanilang anak sa nangyaring pamamaril ay baka napatawad pa niya si Altamirano.

Matatandaang itinulak si Julie Ann, 20, mula sa isang Mitsubishi Montero at saka pinagbabaril sa Cubao, Quezon City noong nakaraang Nobyembre 6.

Nagtungo naman kaninang umaga (Nobyembre 12) ang mga miyembro ng pamilya Rodelas sa Camp Karingal sa Quezon City para saksihan ang pagbibigay pugay sa mga pulis na lumutas sa kaso ng kanilang mahal sa buhay.

Inihahanda na ng Quezon City Police Distroct (QCPD), ang kasong murder at illegal possession of firearms laban kina Almirano, sa kanyang nobyong si Fernando Quiambao Jr., at dalawang iba pa.

Dalawa na lamang na suspek ang tutugisin habang ang isa ay napatay na sa isang engkuwentro sa Lanao St., sa Quezon City nitong Linggo ng madaling araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply