Mga suspek sa pagpatay sa US diplomat, kinasuhan na ng DOJ

ISINAMPA na ng Department of Justice sa Makati Regional Trial Court ang kasong kriminal laban sa apat na lalaking pumatay sa isang U.S diplomat noong Nobyembre 24, 2012.

Batay sa resolusyon, ipinagharap ng kasong murder ang mga akusadong sina Juan Alfonso Abastillas y Loo, Crispin dela Paz y Chong, Osric Cabrera y Malabanan at Galicano Datu III y Salas dahil sa pagpatay kay George Anikow.

Una rito, lumabas sa imbestigasyon ng Makati PNP na nagtamo ng ilang fatal wound ang biktimang US national matapos pagtulungan ng mga suspek noong madaling araw ng Nobyembre 24, 2012 sa Gate 4 ng Bel Air Makati.

Batay sa rekord, pauwi na ang lasing na biktima sa Bel Air ng 4:00 ng madaling araw ngunit  sinabihan siya ng security guard na maghintay muna dahil 5:00 ng madaling araw pa magbubukas ang gate ng naturang subdibisyon. Habang naghihintay sa security post dumating ang sasakyan ng mga suspek. Napikon umano ang mga suspek kay Anikow matapos nitong pagsabihan ang mga suspek na magpakita muna ng ID sa guwardiya at ng hampasin nito ang kanilang sasakyan.

Bumaba ang mga suspek at saka binugbog ang biktima at sinaksak si Anikow.

Gagamitin naman bilang ebidensiya ang CCTV video sa lugar at salaysay ng mga taong nakakita sa krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply