Mga Telco, hinamon na bawasan ang pagka-ganid

HINAMON ng isang progresibong mambabatas ang mga telecommunication company o Telco na bawasan ang kanilang pagkaganid sa tubo.

Ayon kay Anakpawis congressman Rafael Mariano, marapat na isauli na ng Smart, Globe at Sun ang kanilang sobrang singil sa text mula sa milyong-milyong subscriber.

Hinamon din ni Mariano ang National Telecommunication Commission o NTC na desididong ipatupad ang kautusan nito sa mga Telco.

Nagdesisyon kumakailan ang NTC na sobra ng bente sentimos ang singil ng mga Telco sa tigpi-pisong text simula noong Disyembre ng nakaraang taon.

Ngunit wala sa mga Telco ang agarang nagsasabing susunod sila sa kautusan ng NTC at sa katunayan ay nagsabi pa ang Smart na iaapela nila ang naturang kautusan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply