Milyones na pera sa Bilibid; Col. Lee collection sa NCRPO

burdado- jun briones

NAGSAGAWA noong isang araw ang mga ahente ng NBI ng “greyhound” sa loob ng Maximum Security sa Bilibid.

Kaya naman naglabasan kahapon sa mga pahayagan ang napakaraming uri ng patalim na kanilang nakum-piska mula sa mga bilanggo.

Pero hindi lumabas kahit anino ng milyones na pera na kanilang nakumpiska!

Ang mga pera na nakalagay sa dalawang maleta ay inilabas mula sa “brigada” ng “commando” bandang 2:20 ng hapon bitbit ng tatlong NBI.

Naluluha ang may-ari nito na si Peter Co habang inilalabas ang kanyang pera, pero wala siyang magawa dahil nga bawal ito sa patakaran.

Posibleng droga rin ang pinanggalingan nitong pera ni Co kaya natatakot rin siyang ipadeposito ito sa labas.

Maganda ang ginawa ng NBI para maibsan naman kahit papaano ang bentahan ng droga sa loob ng Bilibid.

Ang sa atin lang, dapat ay idineklara nila ang nasabing pera, para kung lumabas na ito sa media ay hindi na makukulimbat o mabawasan ng iilan!

Siyanga pala madam Sec. Leila de Lima, ipinaalam ba sa iyo itong dalawang maletang pera na nakuha ng NBI agents sa ‘commando’ na si Peter Co?

Milyones po ‘yun, Madam!

-o0o-

TENGANG kawali, parekoy, ang ginagamit ngayon ni Gen Leonardo Espina kaugnay sa mga inilathala nating “weekly tong collection” ng mga tauhan ni Col. Lee na ang isinasangkalan ay para umano sa tanggapan ni Gen. Leonardo Espina.

Ang mga pulis, parekoy, na sina Jiggs at Jun Bernardino ang siyang nag-iikot sa lahat ng nagpapatakbo ng iba’t ibang uri ng sugal sa Metro Manila, mga club na may bold show at putahan.

Pinaniniwalaang umaabot sa dalawang milyong piso ang lingguhang collection ng nasabing grupo na ipinangangalandakan nilang inihahatid ni Col. Lee sa opisina ni Espina.

Nagugulat tayo, parekoy, dito sa pananahimik ni Espina.

Ibig bang sabihin ay toto-ong nakararating sa kanya ang collection ni Col. Lee o hinahayaan lang niya na lalong lumaki ang kanyang bukol?

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply