Minaltratong kasambahay, tuluyang nabulag

WALA nang paraan para maipanumbalik ang nasirang paningin ng kasambahay na nakaranas ng kalupitan sa kanyang mga amo noong siya ay nagtatrabaho sa mga ito may apat na taon na ang nakalilipas

Ito ang kinumpirma ni Dr. Joselito Urgel,  isang opthalmologist matapos tumestigo sa korte sa Quezon City  at kumpirmahin na ang kasambahay na si Bonita Baran na nakaranas ng mura at pisikal na pang-aabuso sa kanyang mga amo ay tuluyan ng nabulag makaraan ang pitong pagsusuri sa mata ng pasyente .

Ayon kay Dr.  Urgel na isa ring medical director ng Catanduanes Eye Center matapos ang direct examination na isinagawa ni Assistant City Prosecutor Irene Resureccion, sinabi niya na hindi na aniya magagamot pa ang pagkabulag ni Baran .

Si Baran  ay dinala sa klinika ni Urgel matapos irekomenda ng kasamahang doktor mula East Bicol Medical Center.

Matapos ang 30 minutong eksaminasyon, sinabi ni Urgel na ang kanang mata  ni Baran ay bulag  na habang ang kaliwa nitong mata ay hindi na makakilala ng mga bagay dahil malabo na ang mga mata nito .

Sa pagtatanong ng prosekusyon kung si Baran ang may gawa ng kanyang pagkabulag, sinabi ni Urgel na may posibilidad aniya kung may suicidal tendency si Baran na gawa umano ng mabibigat na suntok o paghampas ang naging pagkabulag ni Baran.

Malaki aniya ang pagkakaugnay sa ibinigay na testimonya ni Baran at ang pagsusuring medikal sa kanya.

Sinabi pa ni Urgel sa abogadong si Jesus Fernandez, abogado  ng mga akusadong sina Reynold at  Anna Liza na walang nag-impluwensiya sa kanya sino man dahil kahit aniya si Pangulong Aquino ay hindi sya puwedeng utusan para impluwensiyahan  ang kanyang medical findings.

Nauna rito,  pinigilan ni Judge Germano Francisco Legaspi ng  Quezon City Regional Trial Court Branch 77 si Dr. Wilfredo Kagaoan na humarap sa witness stand dahil hindi rin nagkakaiba ang testimonya niito ukol sa physical injury aspect ng kaso na dinidinig na
sa korte .

Magugunitang nabulag si Baran matapos brutal na minaltrato ng mag-asawang Marzan noong nagtatrabaho sa mag-asawa mula 2007 hanggang 2012.

Madals umanong masuntok sa mata si Baran ng kanyang amo at minsan ay sinaksak pa siya ng gunting ni Anna Liza kung kaya halos kagagaling pa lang ng sugat na tinamo nito dulot ng pananaksak.

Dahil dito kinasuhan ni Baran ng  seven counts ng  serious physical injuries, at  two counts ng  attempted murder at serious illegal detention laban sa mag-asawang Marzan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply