Mindanao apektado ng ITCZ

INIULAT ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Mindanao.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na may paminsan-minsang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang Mindanao.

Ang Cagayan Valley at mga rehiyon ng Ilocos at Cordillera ay magkakaroon ng paminsan-minsang mga mahinang pag-ulan.

Samantalang ang Kamaynilaan at ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap na may pulu-pulong dagliang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral nama sa hilagang Luzon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply