Mindanao, nananatiling apektado ng ITCZ

MANANATILING apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na magiging maulap na may paminsan-minsang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa ang Mindanao.

Ang Kamaynilaan at ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap na may pulu-pulong dagliang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi samantalang ang Cagayan Valley ay magkakaroon ng mahinang pag-ulan.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa silangan hanggang sa hilagang-silangan ang iiral sa hilagang Luzon at ang mga baybaying-dagat nito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.

Batay sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) maglalaro ang temperatura sa 23–32°celcius.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply