Mining tragedy, isinisi sa pagkunsinti ng local execs

ISINISISI ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lokal na pamahalaan ng Paracale, Camarines Norte ang pagkamatay ng maraming bilang ng minero dahil sa pagguho ng kanilang hinuhukay na lupa.

Sinabi ni Dir. Leo Jazareno ng Mines and Geosciences Bureau ng DENR, posibleng kinukunsinti ng ilang opisyal ang mga illegal small scale miners kaya nakapagpatuloy ang pagmimina sa lugar.

Maaalala na ilang pulis na ang nasibak dahil sa kawalan ng aksyon laban sa mga kahalintulad na aktibidades.

Nabatid na isang saradong large scale mining site ang pinasok ng mga lokal na minero kaya naging komplikado ang kanilang operasyon at nauwi sa malagim na trahedya.

Maliban sa walang pahintulot na pagpasok sa minahan, posibleng panagutin din ang kanilang financier dahil sa paggamit ng dinamita at kawalan ng sapat na safety gear ng mga trabahador sa lugar.

Magdamagan ang pagkakasa ng rescue at retrieval operation ng mga tauhan ng MGB at iba pang ahensiya upang mahanap ang mga natabunan pang biktima.

Sa hiwalay na impormasyon, posibleng umabot pa ng 20 ang bilang ng nalibing nang buhay sa nasabing minahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply