Misis ginulpi, barangay tanod kulong

KULONG ang isang barangay tanod matapos bugbugin ang asawa nang mahuli ang una na sumisinghot ng shabu sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, Huwebes ng gabi, Nobyembre 15.

Nakilala ang suspek na si Enrico Valenzuela, 34 ng Gen. Concepcion St., Bagong Barrio ng lungsod.

Sa pahayag ng biktima na si Janette, 33, dakong alas-8:00 ng gabi, nakita niya ang asawa na sumisinghot ng shabu sa loob ng kanilang bahay na naging dahilan upang sitahin ang suspek.

Nagtalo ang mag-asawa hanggang sa lumalabas ng bahay ang suspek subalit makalipas ang ilang sandali ay umuwi at walang salitang binugbog ang biktima.

Humingi ng tulong sa mga barangay tanod ang kapatid ng suspek na naging dahilan upang respondehan at dakpin ang suspek bago dinala sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply