Misis na pinatay sa sakal ni mister sa Maynila kinilala na

KINILALA na ang ginang na pinatay sa sakal ng kanyang mister sa loob ng isang motel sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay P/Insp. Joey de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, nagtungo sa kanilang tanggapan ang dating landlady ng biktima na si Kylle Anne Baroca ng Poblacion 3, Tanza, Cavite, matapos mapanood ang mukha ng dalawang anak nito sa telebisyon.

Sa ulat, kasama ng biktima at suspek na asawa nito ang dalawang bata na nag-check-in sa Room 4 ng Beehive Travellers Inn sa V. G. Cruz  corner R. Magsaysay Blvd., Sampaloc Manila, kamakalawa ng hapon kung saan natagpuang patay ang biktima sa comfort room.

Nabatid na limang taon na nakatira ang biktima sa bahay ng nasabing landlady sa Tanza, Cavite at nitong March 29, 2012 ay nagpaalam sa kanila ang biktima na lilipat ng bahay sa Maynila dahil balak nitong magtrabahong muli sa ibang bansa.

Ayon pa sa dating landlady ng biktima, may live-in partner si Kylle Anne na nakilalang si Ronald Fontejon at anak nito ang dalawang bata, gayunman, sa litrato lamang umano nila nakikita ang itsura nito dahil ni minsan ay hindi ito nagpupunta sa Tanza, Cavite.

Posible namang ipatawag ng MPD ang dating live-in partner ng biktima upang magpaliwanag sa pagkamatay ng kinakasama.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply