Misis nakipaglampungan sa kainuman, pinagtataga ni mister

emergency-2

PINAGTATAGA ng isang obrero ang kanyang misis nang mahuli niya itong nakikipaghalikan at nakikipagyakapan sa kanyang kainuman sa Aklan, Lunes ng gabi (Nobyembre 19).

Isinugod sa Aklan Provincial Hospital (APH) sanhi ng taga sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na si Aileen Tenazas, 41-anyos residente ng Barangay Tinigao, Kalibo.

Nahuli naman agad at sinampahan na ng kasong homicide ang suspek na si Sammy Tenazas, 45-anyos.

Nakatakas naman ang pinaniniwalaang kalaguyo ni Aileen na sadyang hindi binanggit ang pangalan alinsunod sa ikakasang paghahanap dito.

Naganap ang insidente dakong 9:30 nitong Lunes ng gabi sa mismong sala ng mag-asawang Tenazas.

Bago ito, nag-iinuman si Sammy at ang kaibigan niya na hindi niya alam na may lihim na relasyon sa kanyang misis.

Lingid sa magkalaguyo, nakakahalata na pala ang suspek na may namamagitan sa kanyang misis at sa kanyang kainuman kaya umalis ito at sinabing may bibilhin lamang sa tindahan.

Imbento lamang pala ang pag-alis ng suspek kaya nang makitang naglalampungan na tila mga pusang nais magtalik ang magkalaguyo at saka nito binulaga ng taga ang kanyang asawa.

Nang duguang bumagsak sa sahig ang kanyang misis ay isinunod namang atakihin ni Sammy ng taga ang umaaswang sa kanyang misis ngunit mabilis itong nakatakbo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply