Misis napa-anak sa sementeryo

INABUTAN ng panganganak ang isang ginang na nakipagsabayan sa pagdagsa ng milyong tao sa paggunita ng Undas kagabi sa Manila North Cemetery.

Nakilala ang ginang na si Jennelyn Ventura na nagsilang ng isang malusog na sanggol na babae.

Nabatid na nakipagsabayan si Ventura sa pagbisita sa puntod ng kanilang mahal sa nasabing sementreyo habang siksikan ang mga tao nang makaramdam ito ng pananakit ng tiyan.

Agad namang dumating ang ambulansya sa lugar upang maisugod sa ospital ang ginang.

Pasado alas 8:00 naman kagabi nang tuluyan na nitong mailuwal ang sanggol.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply