Misis patay sa sakal ng mister

SINAKAL hanggang sa mapatay ng mister ang kanyang misis sa harapan ng kanilang mga anak sa loob ng isang motel sa Sampaloc, Maynila.

Hinihinalang may ilang minuto nang patay nang natagpuang ang biktimang inilarawan na nay edad sa pagitan ng 30-35 anyos, may taas na 4”10, payat ang pangangatawan, nakasuot ng kulay itim na t-shirt at maong pants.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na inilarawan na may edad sa pagitan ng 35-40 anyos, may taas na 5’7 hanggang 5’9, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay blue na t-shirt, short pants at naka-scarp na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni PO2 Crispino Ocampo ng MPD-homicide section, dakong 3:50 ng hapon nang natagpuang patay ang biktima sa loob ng comfort room sa Room 4 Beehive Travellers Inn sa 3085 V. G. Cruz corner R. Magsaysay Blvd., Sampaloc, Manila.

Sa imbestigasyon, lumalabas na pumasok sa motel ang mag-asawa  kasama ang kanilang dalawang anak na sina Von at Yeye, may edad 2 at 4 anyos dakong 1:50 ng hapon sa nasabing kuwarto ng motel.

Nabatid na napansin umano ni Darell Montefalcon, 25, Roomboy, na bukas ang kuwarto ng mag-asawa at narinig na umiiyak ang mga bata na nasa ibabaw ng kama.

Dahil dito, inaalam ng roomboy ang nangyari kung saan bumulaga sa kanya ang biktima sa loob ng CR na patay na kaya ipinagbigay alam nito kay Elcee OLira, Supervisor ng motel na siyang nagreport sa barangay.

Lumalabas naman base sa imbestigasyon ng pulisya na sinakal ang biktima sa pamagitan ng pagtali sa leeg nito gamit ang isang plastic straw kung saan itinali sa tubo ng faucet ng lavatory.

Itinurn-over naman ng pulisya ang mga bata sa pangangalaga ng Department of Social  Work and Development ang mga anak ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply