Misis tepok sa bagsik ng selosong mister

crime-scene-4

DAHIL sa bagsik ng selos, napatay sa saksak ng isang lalaki ang kanyang misis sa Ilokos Sur, nitong Huwebes ng gabi (Nobyembre 22).

Nagtamo ng anim na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang biktimang si Shiela Marie Villanueva, 32-anyos, residente ng Barangay Masadag, Sinait, Ilokos Sur.

Nahuli naman agad at kakasuhan ng murder ang suspect na si Sonny Villanueva, 33-anyos residente naman ng Barangay Duyayyat, Sinait.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 7:30 nitong Huwebes ng gabi sa bahay mismo ng biktima.

Bago ito, hindi na nakayaanan ng biktima ang pananakit ng suspect na ang huli ay nitong Huwebes lamang kaya nag-alasabalutan na ito at umuwi sa bahay ng kanyang magulang sa Masadag Sinsait.

Pero nang malaman ito ng suspect, sinundan nito ang misis at sa gitna ng pag-aaaway ay binunutan ng patalim at saka pinagsasaksak ng anim na beses.

Hinihinala naman na wala sa sariling katinuan ang suspect dahil inamin mismo nito na dati siyang sumisinghot ng ipinagbabawal na gamot.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply