Missing PAF SF-260TP student pilot nakita na

NAGWAKAS na ang paghahanap ng Philippine Air Force at Philippine Navy sa nawawalang Philippine Air Force student pilot ng bumagsak na  SF260 Trainer Plane sa karagatang sakop ng La Monja island sa Bataan.

Sa ulat, natagpuan ang bangkay ni 1Lt Michael B. Arugay PAF sa dalampasigan ng Marivelez Bataan kaninang umaga.

Sa inisyal na ulat, Sabado ng umaga nang nakatanggap ng report ang PAF’s 15th Strike Wing  tungkol sa isang bangkay na palutang-lutang at nakasuot ng flight suit na natagpuan ng local fishermen.

Agad nagbuo ang 15th Strike Wing ng isang pulutong upang magtungo at kumpirmahin ang pagkakilanlan ng hinihinalang sundalo na naka-flight suit at bigyan ng seguridad ang gagawing retrival operation sa pakikipagtulungan sa kapulisan partikular na sa PNP Maritime Compound sa Mariveles, Bataan.

Agad na ipinadala ni PAF Chief Ltgen Lauro Catalino Dela Cruz ang isang  W-3A SOKOL helicopter para sunduin ang team at ma-airlift ang bangkay.

Nitong nakalipas na Agosto 19 ay natagpuan ang bangkay ni  Major Neil Tumaneng PAF, habang nagsasagawa ng  search and rescue efforts ang pinagsanib na puwersa ng  PAF, Philippine Navy, Philippine National Police, volunteer divers and local fishermen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply