Mister kalaboso sa pananakot sa asawa’t anak

behind-bars-3

KULONG ang isang mister matapos pagbantaan at takuting sasaktan ang asawa at anak sa Caloocan City, kahapon, Nobyembre 20.

Nahaharap sa kasong violation against women’s and their children’s si Henry Lee, 36 ng Doña Ana, Camarin ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga, nagwawala at nagsisira ng gamit ang suspek sa loob ng kanilang bahay at pinagbantaang sasaktan pa ang asawang si Tessie, 40 at anak na dalagitang si Hessiel, 14.

Bago nagawang saktan ay nagawang makatakbo ng mag-ina at makahingi ng tulong sa mga barangay tanod na naging dahilan upang dakpin ang suspek.

Ayon pa sa ginang, parati silang sinasaktan ng suspek na naging dahilan upang sampahan na niya ng nasabing kaso ang mister.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply