Mister kritikal sa mag-ama

emergency-2

MALUBHA ang kalagayan ngayon ng isang mister matapos pagtulungan ng nakaaway na mag-ama sa Caloocan City, kagabi (Nobyembre 28).

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Ricardo Ambush, 50, ng Bona Alley, Bagong Barrio ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na nakilala lang sa mga alyas na Abet at anak nitong si Badong, kapwa ng Sociedad St., Bagong Barrio ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi ay nagtalo ang biktima at si Abet.

Hindi nakapalag ang biktima ng hawakan siya ni Badong at saka sinaksak ni Abet.

Matapos ang pananaksak ay agad na tumakas ang mag-amang suspek habang dinala naman sa nasabing pagamutan ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang pinagtalunan ng biktima at ni Abet.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply