Mister, kulaguyo huli sa sex act, kalaboso

KULONG ang isang mister nang maaktuhan ng asawa na katalik ang kulasisi sa Caloocan City Biyernes ng umaga (Nobyembre 2).

Kasama sa kulungan ni Arnold Santos, 37 ng Sta. Maria, Bulacan ang sinasabing kulasisi na si Ebalyn Moreno, nasa hustong gulang ng Talipapa, Caloocan City.

Sa pahayag ng asawa ni Santos na si Mylene, lumuwas ng Maynila ang asawa para maghanap ng trabaho.

Kahapon, dahil birthday ng kanilang anak, ay pinuntahan ni Mylene ang asawa sa tinutuluyang bahay nito sa Talipapa ng lungsod.

Dakong alas-7:00 ng umaga nang dumating si Mylene sa naturang bahay at laking gulat nang maaktuhang nakikipagtalik ang asawa sa isang babae na lumalabas na kalaguyo nito.

Agad na humingi ng tulong sa mga barangay tanod si Mylene at ipadakip ang magkalaguyo.

Desidido umano si Mylene na ituloy ang kasong adultery sa mister kung kaya idiniretso si Santos sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply