Junkshop owner natagpuang patay

PATAY na nang makita ang mister sa loob ng pag-aaring junkshop at may nakabalot ng sako ang ulo sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw, Nobyembre 2.

Nakilala ang biktima na si Bernardo Dillena, 57, ng Alcamar st., Wawang Polo ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-5:40 ng madaling araw, papasok ang helper na si Joana Orogo sa junkshop ng nasabing lugar nang makita ang amo na nakahandusay habang nakabalot ng sako ang ulo.

May mga sugat sa katawan at ulo ang biktima kung saan iniimbestigahan kung ano ang motibo sa nasabing insidente ay dahil wala umanong nawala sa mga gamit ni Dillena.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply