Mister patay, misis sugatan sa riding-in-tandem

crime3

TACURONG CITY Sultan Kudarat – Dedbol ang isang mister habang sugatan naman ang kanyang misis matapos barailin ng riding-in-tandem sa Polomolok, South Cotabato.

Ayon sa report ng PNP South Cotabato, kinilala ang nasawi na si Rufino Balabat habang sugatan naman ang misis niya na si Elenita.

Sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa kanilang bahay ang mga biktima na tutungo sana sa simbahan para magsimba nang sila’y barilin ng hindi pa nakilalang mga suspek.

Dead on the spot si Rufino habang si Elenita ay nagtamo ng sugat sa katawan.

Nakuha ng awtoridad sa crime scene ang isang empty shell ng .45 na pistola at isang slug.

Away sa lupa ang isa sa mga tinututukang motibo sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply