Mister pinagsasaksak, tigbak

TODAS ang isang pedicab driver matapos itong tadtarin ng saksak ng isang hindi pa nakikilalang salarin na nakaalitan Huwebes ng gabi Nov. 8,  sa  Brgy. Northbay Boulevard South, Navotas.

Dead on spot sa pinangyarihan si Darylgin Bautista y Sablay, 31, may asawa, ng Blk 7, Gurame St., NBBS sanhi ng mga tinamong maraming saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek bitbit ang ginamit nitong patalim.

Ayon sa ulat, dakong alas 10:15 ng gabi ng maganap ang insidente sa kahabaan ng kalye Alumahan sa nasabing barangay.

Nabatid, bago maganap ang krimen nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek sa kabilang kalye ng Bakoko.

Habang binabaybay ni Bautista sakay ng kanyang de-padyak ang kahabaan ng Alumahan, hinarang siya ng suspek at sunod-sunod na pinagsasaksak na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply