Mister pumalag sa mga holdaper, kritikal

emergency-2

KRITIKAL ang isang mister matapos barilin ng isa sa tatlong hindi pa kilalang holdaper sa Caloocan City, kagabi, Nobyembre 22.

Inoobsrbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Julieto Dalogdog, 43 ng MPC, Sitio Mendez, Quezon City, sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi, nakatulog ang biktima sa dyip habang kasakay ang mga suspek at pagsapit sa 1st Avenue, Rizal Avenue Ext., ay nagdeklara ng holdap ang mga huli.

Ginising ng isa sa mga suspek ang biktima at kinukuha ang mga gamit at nang magising ay pumalag ang huli na naging dahilan upang barilin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC.

Inaalam na ng mga pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply