Mister ‘tinawag’ ni kamatayan

MISTULANG tinawag ni kamatayan ang nangyari sa isang mister matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek nang lumabas dahil sa tawag sa cellphone sa Navotas kaninang madaling araw, Nobyembre 1.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Ronnie Bundallan, 44, ng North Bay Boulevard North ng lungsod.

Sa pahayag ng ka-live-in ng biktima na si Joyce, dakong ala-1 ng madaling araw, matutulog na sila ng biktima nang may tumawag sa cellphone ni Bundallan.

Tumayo at lumalabas ang biktima at makalipas ang ilang sandali ay isang kapitbahay ang kumatok kay Joyce at sinabing pinagbabaril si Bundallan.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply