Miyembro ng Dominguez carnapping syndicate, naghain ng not guilty plea

NAGHAIN ng not guilty plea sa Quezon City court ang hinihinalang miyembro ng kilabot na Dominguez carnapping  syndicate dahil sa kasong carnapping with homicide na kinakaharap nito sa isinagawang pagdinig kaninang umaga  NObyembre 19, 2012 (Lunes).

Matapos magpasok ng not guilty plea ang akusadong si Rolando Talban, hiniling ni Assistant City  Prosecutor Ramoncito Ocampo kay Judge  Maria Rita Bascos-Sarabia na pagsabayin na lamang ang unang pagdinig sa akusadong si Raymond Dominguez at ang kapatid na si Roger at Jayson  Miranda sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City kung saan isinagawa ang pagdinig sa  kaso.

Ipinaliwanag ni Ocampo na si Raymond Dominguez na napatunayang guilty sa isa pang kaso sa Bulacan Court na nahatulan ng 20 taong pagkakabilanggo na nararapat na gawin na lamang ang pagdinig sa kasong carnapping with homicide sa New Bilibid Prison.

Ang magkapatid na Dominguez at Jayson Miranda ay nahaharap sa kasong homicide at carnapping dahil sa pagpataysa car dealer na si Venson Evangelista nitong nakalipas na 2011.

Sinabi ni Ocampo na personal niyang isisilbi ang subpoena sa lahat ng mga akusado upang mapabilis ang pre-trial conference sa kaso na nakatakdang isagawa ang pagdinig sa unang linggo ng  Disyembre 2012.

Hiniling din ni Judge Sarabia kay Persida Rueda –Acosta, chief ng Public Attorney’s Office (PAO), na  magsumite agad sa korte ng identity ng PAO Muntinlupa City Lawyer na magsisilbing abogado ni Talban.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply