MMDA nagbabala vs fake traffic enforcers

mmda chair francis tolentino

NAGPALABAS ng babala ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa publiko laban sa mga pekeng traffic enforcer na nambibiktima ng motorista sa lansangan..

Ang babala ay inilabas matapos mabiktima si MMDA Chairman Francis Tolentino ng isang pekeng MMDA traffic officer sa Roxas Boulevard,
Maynila, kamakalawa, ng gabi.

Napag-alaman na patungo sa isang speaking engagement si Tolentino sa Maynila nang harangin ng isang naka-ID at unipormadong enforcer na kinilalang si Edwin Vicentino.

Gayunman, kinumpirma ng MMDA chief na noong pang Nobyembre ng isang taon hindi nagre-report sa ahensya si Vicentino.

Ang pekeng traffic enforcers ay nag-AWOL (Absent Without Official Leave) na nangangahulugan na wala na ito sa serbisyo at sinibak na noong Mayo 1.

Samantala, nakatakda namang maghain ng kasong ‘usurpation of authority’ ang MMDA laban kay Vicentino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply