MMDA ‘zombies’ binaklas na sa lansangan

MATAPOS ipagdiwang ng publiko ang panahon ng Undas, wala nang traffic enforcers na mistulang mga zombie sa kahabaan ng EDSA, Commonwealth Avenue at iba pang mga pangunahing lansangan na naging atraksiyon, hindi lamang sa mga motorista kundi sa mga dumarayong turista.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, mapapalitan naman ito ng traffic enforcers na mistulang si Santa Claus sa nalalapit na Kapaskuhan na magmamando o magsasaayos ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.

Naniniwala si Tolentino na epektibo ang ganitong mga uri ng atraksiyon sa lansangan dahil nawawala ang pagkabagot o pagkakaroon ng init ng ulo ng mga motorista, maging ng kanilang mga pasahero sa mga panahon na hindi maiiwasan ang pagkakabuhol-buhol ng mga sasakyan sa lansangan lalu na sa panahon ng Kapaskuhan.

Tiniyak naman ng MMDA chief na hindi magpapabaya ang mga Santa Claus na traffic enforcers sa pagsasaayos ng trapiko lalo na’t mayroon naman silang mga back-up na traffic constable na katuwang sa pagpapanatili ng maayos na daloy ng sasakyan.

Napatunayan na rin aniya ito nang italaga nila ang mga zombie na traffic enforcers sa panahon ng Undas na nakatulong ng malaki sa maayos na daloy ng sasakyan lalo na sa mga lansangang patungo sa mga kampo-santo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply