Modelong pinatay sa Kyusi kinilala na

KINILALA na  kanina  ng kanyang mga kaanak  ang  dinukot na modelong coed na pinatay sa Quezon City noong Martes ng umaga.

Nakilala  ang biktima  na si  Julie Ann Rodelas, 20, part time model,  estudyante ng Arellano University at residente sa Las Piñas City.

KInilala si Rodelas ng kanyang mga  kaanak  matapos  matagpuan ang bangkay nito ng  mga  awtoridad.

Ayon kay Supt. Rodelio  Marcelo, hepe ng Quezon  City  Police District  Criminal  Investigation  and  Detection  Unit , nagpadala na siya ng imbestigador sa Pasay City kung saan naganap ang pagdukot kay Rodelas para sa malalimang pag-iimbestiga.

Iniimbestigahan na rin ang kasama ng biktima na modelo ring si Althea Altamirano upang mabigyang linaw ang sinasabi nitong  dinukot ang biktima habang magkasama sila habang naglalakad sa Mall of Asia .

Ito rin ang sinabing pangalan  ng mga kaanak ni Rodelas na  huling nakasama  ng biktima  bago natagpuang patay ang biktima.

Lumitaw sa imbestigasyon na nangyari ang pagdukot sa biktima bandang  alas – 11:30 ng gabi ng Martes, habang  naglalakad sina  Altamirano at  Rodelas sa labas ng Mall  of Asia  nang may pumarada aniya sa tapat sa isang SUV at  sapilitang isinakay ang biktima.

Napag -alaman din na ipinagbigay alam ni Altamirano ang insidente sa mobile  car ng Pasay Police ngunit hindi siya pinansin ng mga pulis.

Matatandaang nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo  at katawan ang biktima mula sa kalibre .45 baril matapos inihulog sa blue  Montero Sports sa may 18th Ave., Brgy. San Roque Quezon City dakong alas – 5:00 ng umaga.

Humihingi na rin ng kopya ng CCTV videos  ang QCPD sa  McDonald sa Maynila  upang matukoy kung sino ang huling pinuntahan at kasama ni Rodelas ng mga sandaling iyon matapos  siyang dukutin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply